23 August 2025
Calbayog City
Metro

Mas mabigat na parusa sa mga walang disiplinang nagtatapon ng basura, isusulong ng Metro Manila Council  

ISUSULONG sa susunod na pulong ng Metro Manila Council (MMC) ang mas mabigat na parusa sa mga walang disiplina sa pagtatapon ng basura.

Ayon kay MMC President, San Juan City Mayor Francis Zamora, kung hindi didisiplinahin ang mamamayan ay paulit-ulit lang ang problema sa basura.

Sinabi ni Zamora na kung pabibigatin ang parusa, sa First Offense pa lang ay posibleng limanlibong piso na agad ang multa.

Kahapon ay pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Cleanup Operation sa Lambingan Bridge sa San Juan River sa ilalim ng “Bayanihan Sa Estero” Program ng ahensya.

Hanggang alas dose ng tanghali, ay nakakolekta ang MMDA ng dalawang truck ng basura mula sa naturang ilog.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).