NASA sixty percent na ang completion rate ng rehabilitasyon sa EDSA na inumpisahan noong December 2025.
Ipinakita ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang pagsasaayos sa daanan ng mga pedestrian at commuter na mas pinalawak para sa kaligtasan ng publiko.
ALSO READ:
Sinabi ni Dizon na delikado para sa mga commuter na sa mismong kalsada ng EDSA sila naglalakad.
Maliban sa sidewalk, ay inayos din ng DPWH ang bike lane.
Bahagi rin ng rehabilitasyon ang pag-iispalto sa mga sirang kalsada.




