21 November 2024
Calbayog City
National

Mary Jane Veloso, makauuwi na sa bansa, ayon kay Pangulong Marcos

KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makababalik na ng bansa ang Pinay na si Mary Jane Veloso.

Si Veloso ay nahatulang guilty sa kasong drug trafficking at nasentensyahan ng kamatayan sa Indonesia.

Ayon kay Pangulong Marcos, matapos ang mahigit isang dekadang diplomacy at konsultasyon sa Indonesian government, nagawa ng pamahalaan na maipa-delay ang parusang kamatayan kay Veloso.

At ngayon, masayang ibinalita ng pangulo na pumayag na ang gobyerno ng Indonesia na makauwi ng bansa si Veloso.

Una nang sinabi ng DFA na dito na sa pasilidad na sa Pilipinas bubunuin ni Veloso ang kaniyang sentensya.

Taong 2010 nang maaresto si Veloso dahil sa pagdadala ng mahigit dalawang kilo ng cocaine sa Indonesia. (DDC)

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).