INAMIN ni Mark Herras na hindi pa niya nalalampasan ang pagsubok sa pagpanaw ng kanyang adoptive gay parents.
Sa isang panayam, sinabi ng actor-dancer na dahil sa pagkawala ng kanyang Daddy June at Tito Hermie ay nagkaroon siya ng depression at anxiety.
Aniya, minsan kapag sumasapit ang death anniversary ng kanyang adoptive parents ay nagbi-breakdown siya, dahil sa tingin niya ay hindi siya nakapagluksa ng maayos.
Gayunman, sa kabila nito, inihayag ng aktor na kailangan niyang mag-move on, para sa kanyang sariling pamilya.
Pumanaw ang Daddy Jun ni Mark noong 2014 habang sumunod ang kanyang Tito Hermie noong 2016.