29 March 2025
Calbayog City
Metro

Marikina Mayor Marcy Teodoro at iba pang mga opisyal ng lungsod, sinuspinde bunsod ng umano’y maling paggamit sa pondo ng PhilHealth

ISINAILALIM ng Office of the Ombudsman si Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro at iba pang mga opisyal ng lungsod sa preventive suspension without pay sa loob ng anim na buwan dahil sa umano’y maling paggamit ng public funds.

Nag-ugat ang suspensyon mula sa reklamo ng isang residente ng Marikina na si Sofronio Dulay, kung saan inakusahan nito si Teodoro at iba pang mga opisyal ng lungsod na ginamit ang pondo ng PhilHealth para sa non-health purposes.

Gaya umano ng pagbili ng IT equipment, infrastructure repair, donasyon, at general supplies.

Samantala, naniniwala si Teodoro na ang ipinataw sa kanyang suspensyon ay politically motivated at layuning sirain ang kanyang kandidatura bilang kinatawan sa unang distrito ng Marikina.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).