27 March 2026
Calbayog City
Sports

Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-training, limang buwan bago ang rematch laban kay Floyd Mayweather JR.

BINALEWALA ng nag-iisang Eight-Division World Champion Manny Pacquiao ang paniniwala na masyadong huli ang kanilang rematch ni Floyd Mayweather Jr.

Ang pinakahihintay na rematch ay mangyayari sa Sept. 19, 2026 at mapapanood sa Netflix, mahigit isang dekada matapos ang kanilang unang bakbakan sa ring noong May 2, 2015.

Sa naturang match, nanalo si Mayweather via unanimous decision, kung saan dalawang judges ang nagbigay ng score na 116-112 habang ang isa pa ay 118-110.

Sinabi ni Pacquiao na para sa kanya ay hindi pa naman huli ang lahat at hindi rin naman sila nagpabaya sa kanilang kondisyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).
Listen Live