9 April 2026
Calbayog City
Sports

Manny Pacquiao, naging sentro ng atensyon sa Yankee Stadium

NADAGDAGAN ng panibagong highlight ang pagbisita ni Filipino Boxing Icon Manny Pacquiao sa United States, kasunod ng kanyang appearances sa major sporting events.

Sa kanyang pagtapak sa baseball diamond, ibinato ni Pacquiao ang ceremonial first pitch sa Yankee Stadium bago ang match ng New York Yankees laban sa Oakland Athletics sa Major League Baseball.

Inamin ng eight-division world champion na baseball talaga ang kanyang unang sport bago siya naging sikat na boksingero.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).
Listen Live