ANG manlalaro mula Eastern Visayas na si Chrisia Mae Tajarros ang nakakuha ng kauna-unahang gintong medalya sa ginaganap na 2025 Palarong Pambansa sa Laoag, Ilocos Norte.
Ito ay matapos magwagi ang 13-anyos na runner na si Tajarros sa Athletics 3000 Meters Event.
ALSO READ:
Ayon sa Department of Education (DepEd) si Tajarros ay grade 8 student sa Tanauan National High School sa Leyte na nag-uwi din ng silver medal sa Palarong Pambansa noong nakaraang taon na ginanap sa Cebu.
Emosyonal naman si Tajarros sa kaniyang pagkakapanalo.
Aniya, pangarap niyang makapaglaro sa Olympics.