NAG-deploy ang Manila City Government ng water tankers para mag-spray ng tubig sa kahabaan ng Espana Blvd. upang mabawasan ang nararanasang napakainit na panahon.
Dahil sa matinding init ay inadjust ng pamahalaang lokal, alinsunod sa Executive Order No. 22 Series of 2024, ang working hours sa lungsod simula alas siyete ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon, simula ngayong Huwebes.
Inabisuhan din ng Parks Development Office ang kanilang mga bisita sa bagong operating hours ng Arroceros Forest Park at Paraiso ng Batang Maynila na alas syete ng umaga hanggang ala singko ng hapon.