NAKIPAG-partner ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang Non-Government Organization (NGO) para maibalik at mapanatili ang 74-hectare mangrove plantation sa Tacloban City.
Sinabi ni DENR Senior Forester Julie Cruzada, Regional Coordinator for the National Greening Program, na ang partnership sa PH Haiyan Advocacy Inc. ay para sa rehabilitasyon ng sites sa saklaw ng unang implementasyon ng NGP.
DSWD, naglabas ng 48 million pesos na cash aid para sa trike drivers sa Eastern Visayas
Eastern Visayas Regional Hospital, sisimulan ang transplant operation sa 3rd quarter ng 2026
Mahigit 500 na mangingisda sa Northern Samar, makatatanggap ng fuel subsidy
Mga turista, hinikayat na bumisita sa rock formations sa Biri Island sa Northern Samar
Aniya, obligado ang iba’t ibang lugar na tinukoy bilang graduated NGP sites na sumailalim sa rehabilitasyon bunsod ng tinamong mga sira mula sa mga kalamidad at para sa konstruksyon ng tide embankment project.
Ang graduated NGP sites ay mga nakakumpleto ng tatlong taong planting contract at hindi na tumatanggap ng pondo mula sa pamahalaan para sa maintenance.
