MAKATATANGGAP ng libreng almusal araw-araw ang lahat ng pitundaan at dalawampung estudyante sa high school sa Matuguinao, Samar habang pagkakalooban ng tanghalian ang mga mag-aaral sa malalayong barangay.
Ayon kay Arlyn Alegria, Head ng Matuguinao Municipal Social Welfare and Development Office, ang programa na tinawag na “Edukain” ay magtatagal hanggang sa katapusan ng School Year.
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Aniya, layunin ng programa na himukin ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan, araw-araw.
Sinabi ni Alegria na ang mga benepisyaryo ng almusal ay mga estudyante sa Matuguinao National High School, habang ang karagdagang tanghalian ay para sa mga nakatira sa malalayong barangay.
Para almusal, maghahanda ang lokal na pamahalaan ng Arroz Caldo habang ang para sa tanghalian ng mga piling estudyante ay iko-konsulta sa dietician mula sa Provincial Government.
Sa launching ng “Edukain” noong Lunes, namahagi ang Local Government ng Tumblers sa mga estudyante upang ganahan silang uminom ng tubig at maiwasan ang Dehydration.
