NAGPATUPAD ng malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis, ngayong Martes.
Binawasan ng piso ang presyo ng kada litro ng gasolina.
May bawas din na piso at trenta sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel.
Habang mababawasan naman ng piso at animnapu’t limang sentimos ang presyo ng kada litro ng kerosene.