NIYANIG ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Cebu na naramdaman sa iba pang bahagi ng Visayas.
Ayon sa PHIVOLCS, ang epicenter ng lindol ay naitala sa layong twelve kilometers southeast ng Bogo City, 3:22 P.M. kahapon.
ALSO READ:
May lalim na eleven kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V
– Bogo City at Medellin, Cebu
Intensity IV
– Sogod, Cebu
– Villaba, Leyte
Intensity III
– Bantayan, Liloan, Toledo City, at Tudela, Cebu
– Cebu City
– Mandaue City
Intensity II
– Inabanga, Bohol
– Argao at Talisay City, Cebu
Intensity I
– Badian, at San Fernando, Cebu




