NANAWAGAN ang Malacañang sa publiko na iwasan ang panic buying kasabay ng pagtiyak na may sapat na suplay ng produktong petrolyo at basic commodities sa bansa sa kabila ng tensyon sa Middle East.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na base sa impormasyon ng Department of Trade and Industry, wala pang namo-monitor na paggalaw ng presyo sa mga pangunahing produkto.
Subalit dapat din anyang maghanda at magpatupad ng mga pagtitipid ang publiko upang maiwasang lumala pa ang sitwasyon.
Kasabay nito, binalaan ni Castro ang mga magtatangkang magtago ng fuel supply na mahaharap sila sa kaukulang parusa.




