3 July 2024
Calbayog City
Metro

Makati LGU hihingi ng paglilinaw hinggil sa “Ownership” ng Embo Schools, sa gitna ng sigalot sa Taguig

HIHINGI ng paglilinaw si Makati City Mayor Abby Binay tungkol sa ownership issues sa Enlisted Men’s Barrios (Embo) Public Schools na apektado ng Supreme Court decision kamakailan sa territorial dispute sa pagitan ng mga lungsod ng Makati at Taguig.

Ginawa ni binay ang pahayag, kasabay ng paggiit na ang SC ruling ay para sa territorial row ng mga lungsod subalit hindi sa “Ownership” rights ng public schools na binayaran at pag-aari ng Makati.

Sinabi ng alkalde na maaring magmay-ari ang Local Government Unit ng property sa lugar na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng ibang LGU, gaya ng Manila South Cemetery na nag-o-operate sa Makati.

Nasa tatlumpunlibong mag-aaral mula sa Embo Schools sa sampung barangay na dating bahagi ng Makati ang naiipit ngayon sa sigalot ng dalawang lungsod.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *