20 August 2025
Calbayog City
Entertainment

Maine Mendoza, inaming na-inlove kay Alden Richards sa kasagsagan ng kasikatan ng AlDub

IBINUNYAG ni Maine Mendoza na na-inlove siya kay Alden Richards sa kasagsagan ng kasikatan ng AlDub noong 2015.

Sampung taon makalipas ang Phenomenal Fame ng dalawa sa pamamagitan ng sikat na “Kalyeserye” segment ng “Eat Bulaga!,” sinabi ni Maine na kahit sino ang magtanong sa kanya tungkol sa naging feelings niya kay Alden ay sasagutin niya ng diretso.

Nilinaw ng TV host-actress na bagaman Very Vocal siya sa lahat ng tao pati na kay Alden ay hindi nanligaw sa kanya ang aktor, at nanatili lang silang magkaibigan.

Inamin din ni Maine na direkta niyang tinanong noon ang dating ka-loveteam sa nararamdaman nito sa kanya, subalit ang sagot ni Alden ay hindi nito maaring sabihin dahil mawawala ang magic.

Idinagdag ni Maine na nagkaroon naman sila ni Alden ng Closure, at inilarawan ang kanilang Offcam Relationship bilang “grabe” at “rollercoaster.”

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).