Nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng malakihang bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo, ngayong Martes.
Sa anunsyo ng oil companies, piso at limampu’t limang sentimos ang itinapyas nila sa kada litro ng gasolina habang piso at tatlumpung sentimos sa diesel.
Binawasan din ng piso at kwarenta sentimos kada litro ang presyo ng kerosene o gaas.
Noong nakaraang linggo ay taas-presyo ang sumalubong sa mga motorista pagpasok ng buwan ng Setyembre.