Nakumpiska ng Bureau of Customs sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency at sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang mahigit labinglimang libong gramo ng tsongke mula sa isang pasahero sa arrival area ng NAIA Terminal 3.
Ayon sa BOC, isinailalim sa routine baggage inspection at x-ray screening ang bagahe ng suspek at doon nakita ang kahina-hinalang dala nito at nang magsagawa ng physical ‘examination tumambad sa mga otoridad ang labinganim na pakete ng dried leaves na may masangsang na amoy.
DSWD tiniyak na pananagutin ang mga child care facilities na mapapatunayang nang-aabuso ng mga bata
St. Timothy Construction pinagpapaliwanag ni Pang. Marcos sa hindi natapos at substandard na flood control structure sa Bulacan
Publiko hinikayat ng PSA na i-download ang kopya ng kanilang Digital National ID sa eGovPH
Subpeona ng Senado kay Alice Guo pinagtibay ng Korte Suprema
Tinataya ng PDEA na aabot sa P22,617,000 ang halaga ng mga nakumpisang tsongke.
Tiniyak naman ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na patuloy ang maigting na pagbabantay ng ahensya para masigurong mahuhuli ang mga magtatangkang magpasok ng iba’t ibang kontrabando sa bansa.