30 June 2024
Calbayog City
Provincial

Mahigit P100-M halaga ng smuggled agricultural products nakumpiska sa Cavite

UMABOT sa isandaang milyong pisong halaga ng agricultural products ang nakumpiska ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Kawit, Cavite.

Sa joint inspection ng Bureau of Customs, Department of Agriculture, at Philippine Coast Guard, nabuksan ang tinatayang limang containers na naglalaman ng agricultural goods sa isang hindi rehistradong cold-storage warehouse.

Ayon sa BOC, ang kanilang hakbang ay suportado ng mission order at letter of authority para mainspeksyon ang tatlong warehouses na hinihinalang pinag-iimbakan ng iligal na imported agricultural products nang hindi nagbabayad ng tamang duties and taxes.

Naikandandado na ang warehouse habang mayroong naka-deploy na awtoridad sa lugar upang maiwasan na may makialam sa mga kinumpsikang produkto.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *