MAHIGIT apatnapung kalsada sa Metro Manila ang pansamantalang isasara sa trapiko para isailalim sa repairs ngayong Semana Santa.
Sa advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH), tecommunications firms, at water concessionaires ng road works sa apatnapu’t pitong kalsada sa National Capital Region simula alas onse ng gabi bukas, March 27 hanggang ala singko ng umaga sa lunes, April 1.
Ilan sa mga maaapektuhang kalsada ang Batasan-Commonwealth Tunnel, West Avenue, Commonwealth Avenue, Payatas Road, Roxas Boulevard, South Super Highway, at iba pa.
Dahil dito, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta.