Tumaas sa siyamnapu’t dalawa (92) ang mga kandidatong nanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na hinold ang proklamasyon bunsod ng mga nakabinbing petisyon sa COMELEC.
As of Nov. 2, ipinag-utos ng poll body ang suspensyon ng proklamasyon sa 253 BSKE candidates, subalit 92 lamang sa kanila ang nanalo habang 106 ang natalo sa halalan.
Umakyat ang bilang mula sa pitumpu’t siyam (79) na unang iniulat ng COMELEC noong martes.
Ilang araw bago ang Oct. 30 BSKE ay nagpasa ng resolusyon ang poll body na pinapayagang suspindihin ang proklamasyon ng nanalong kandidato na nahaharap sa petisyon, gaya ng “petition to deny due course,” “petition to declare a nuisance candidate,” at “petition for disqualification.”