Mahigit 732,000 na ektarya ng pananim ang posibleng maapektuhan sa mga rehiyong tatamaan ng Bagyong Uwan.
Kabilang dito ang mahigit 637,000 hectares na pananim na palay at mahigit 94,000 na ektarya ng pananim na mais.
Para sa pananim na bigas, mahigit 370,000 na ektarya ang nasa maturity stage na o malapit nang anihin.
Sa pananim na mais naman, mahigit 71,000 hectares ang nasa maturity stage na. Nauna nang naglabas ng abiso ang Department of Agriculture sa mga magsasaka na gawin na ng maaga ang pag-ani sa kanilang mga pananim habang malayo pa ang bagyong Uwan.




