INARESTO ng New York police ang mahigit pitumpung pro-Palestinian protesters makaraang okupahin ang bahagi ng main library sa Columbia State University.
Dalawang university security officers ang nasugatan nang pwersahang pasukin ng mga raliyista ang butler library, ayon sa university president.
Tinututulan ng mga aktibista ang ban na ipinatupad ng Trump Administration kasunod ng malawakang campus demonstration noong nakaraang taon.
Wala pang ibinibigay na detalye ang mga awtoridad hinggil sa pagkakakilanlan ng mga dinakip at kung mayroon silang US Visa.