23 August 2025
Calbayog City
Overseas

Mahigit 70 Afghan deportees, patay sa aksidente sa bus sa Iran

PITUMPU’T tatlo katao ang nasawi, kabilang ang labimpitong mga bata, nang maaksidente ang bus na may lulang Afghan migrants na dineport mula sa Iran.

Ayon kay Ahmadullah Mottaqi, Taliban Director of Information and Culture sa Herat Province, patungong Kabul ang bus nang masunog matapos sumalpok sa isang truck at motorsiklo.

Patay ang lahat ng nakasakay sa bus, pati na ang dalawang iba pa na lulan ng ibang sasakyan.

Sa mga nakalipas na buwan ay pinaigting ng Iran ang kanilang deportations sa mga Undocumented Afghan Migrants na tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa kaguluhan.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Herat Police na nangyari ang aksidente dahil sa sobrang bilis ng pagmamaneho ng tsuper at kapabayaan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).