KABUUANG 89 kilos ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 605.2 million pesos ang nasabat sa operasyon sa Zamboanga City, ayon sa Police Regional Office 9.
Sinabi ng PRO 9 na tatlong suspek din ang nasakote sa operasyon, at nasa kustodiya ng Zamboanga City Police Station 11.
Ang mga nakumpiska namang illegal drugs ay itinurnover sa Zamboanga City Forensic Unit 9 para sa isailalim sa pagsusuri.
Tiniyak ni PRO 9 Chief, Police Brig. Gen. Eleazar Matta na ipagpapatuloy nila ang maigting na operasyon upang masiguro ang kaligtasan at seguridad sa mga komunidad.




