HINDI bababa sa limampu’t apat ang nasawi matapos mahulog sa tulay ang sinasakyan nilang bus sa Guatemala City.
Binabagtas ng bus ang Belize bridge sa zone 6 ng Guatemalan Capital nang bumulusok ito sa bangin.
Sa mga larawang naka-post sa social media, bumaliktad ang sasakyan at bahagyang nakalubog sa tubig, habang nagkalat ang debris sa paligid.
Tinawag naman ni guatemala president Bernardo Arevalo ang trahedya na “national pain” kasabay ng pag-abot ng pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.