6 July 2025
Calbayog City
Overseas

Mahigit 50 Palestino na naghihintay ng harina sa Gaza Aide Site, napaslang ng Israeli forces

HINDI bababa sa limampu’t isang Palestino ang nasawi habang mahigit dalawandaang iba pa ang nasugatan matapos ang pag-atake sa Aid Distribution Site sa Southern Gaza.

Ayon sa Hamas-Run Civil Defence Agency, pinaulanan ng bala ng Israeli troops ang mga tao malapit sa Aid Site sa Khan Younis.

Batay sa salaysay ng mga testigo, pinaputukan ng Israeli forces ang lugar, malapit sa Junction sa silangan ng Khan Younis, kung saan libo-libong Palestino ang naghihintay na makakuha ng harina mula sa isang World Food Programme Site, na mayroon ding kalapit na community kitchen.

Samantala, inihayag naman ng Israeli military na pinag-aaralan pa nila ang mga report.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).