AABOT sa limampu’t anim na museums, historical buildings at cultural sites sa Iran ang napinsala ng US-Israeli strikes, ayon sa Iranian State Agency na IRNA.
Mariing namang kinondena ng Ministry of Cultural Heritage ng bansa ang mga pag-atake, na sinasabing labis na nakaapekto sa Tehran.
ALSO READ:
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
Kabilang sa mga napaulat na napinsala ang makasaysayang Tehran Bazaar, Sepahsalar Mosque, Marble Palace at Golestan Palace, na isang UNESCO World Heritage Site.
Naiulat din ang pagkasira ng iba pang historic sites sa iba pang bahagi ng Iran, gaya ng Naqsh-e Jahan Square sa Central City ng Esfahan na isa pang UNESCO World Heritage Site.
