Nagpadala ng karagdagang aircraft mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa West Philippine Sea matapos ang nakababahalang hakbang ng military chopper ng China sa Bajo de Masinloc.
Ayon kay Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nagsagawa ng maritime domain awareness (MDA) flight sa Kalayaan Island Group (KIG).
Ito ay bilang pagtugon aniya sa agresibong maneuvers ng People’s Liberation Army Navy (PLAN).
Gumamit ng dalawang aircraft ng BFAR sa isinagawang MDA.
Sa paglipad ng dalawang aircraft, namaatan ang mahigit 50 Chinese maritime militia vessels sa Pagasa Island at ang China Coast Guard vessel na may bow number na 5101, gayundin ng 6 na Chinese maritime militia vessels sa Rozul Reef. Sa isinagawang flight, sinabi ni Tarriela na ilang ulit na kinwestyon BFAR aircraft ang ilegal a presensya ng mga barko ng China sa lugar.