3 July 2024
Calbayog City
Local

Mahigit 4,000 estudyante tumanggap ng educational assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Calbayog City

educational assistance

TUMANGGAP ng educational assistance ang 4,375 na mga estudyante mula sa lokal na pamahalaan ng Calbayog. Ang 

pay-out ay isinagawa sa Brgy. Bagacay Covered Court araw ng Sabado, Agosto 5, 2023.

Dumalo sa nasabing pay-out si Mayor Raymond C Uy, Vice-Mayor Rex Daguman, City Councillors, City Treasurer’s Office sa pangunguna ni Ms. Ma. Evelyn Junio, Brgy. Officials mula sa 20 Barangay at Community Program Coordinators. 

Ayon kay Uy, muling magbibigay ng assistance para sa 1st semester sa Oktubre o Nobyembre bago matapos ang 1st sem ngayong taon. 

Nabatid na tuloy-tuloy ang programang ito hanggang may mga Calbayognon na nag-aaral at sisikapin ng lokal na pamahalaan na makatulong. 

“Dahil limitado sa NWSSU ang enrolment dahil sa programang ito kahit saan ka man nag-aaral sa loob ng Pilipinas ay maaari kang makatanggap ng Educational Assistance dahil mas kailangan nila ito basta ikaw ay Calbayognon,” pahayag ni Calbayog City Mayor Monmon Uy. 

Dagdag pa ng alkalde,  last sem ay may 2,500 na mag-aaral lamang ang mabiyayaan ng programa, ngayon ito ay nasa 4,375 na ang benepisyaryo. Ang educational assistance aniya ay kasama na sa annual budget ng lungsod. 

Apela ni Mayor Mon sa mga estudyante, huwag sayangin ang tulong ng gobyerno, mag-aral ng mabuti.

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *