337.73 million pesos na halaga ng iligal na droga na isinilid sa labing walong balikbayan boxes ang nasabat ng Bureau of Customs sa Port of Manila.
Sa statement, sinabi ng BOC na limang kahon ang naglalaman ng 122 packs o 132,100 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng 158.520 million pesos, habang labintatlong kahon ang pinalagyan ng 344 packs o 147,007 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng 176.408 million pesos.
Nadiskubre rin sa mga kahon ang tatlong packs o 560 grams ng dried mushroon na nagtataglay ng psilocybin na nagkakahalaga ng 312,592 pesos, at 2.494 million pesos na halaga ng cannabis oil at e-cigarettes.
Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang BOC sa forwarder at may-ari ng balikbayan boxes bunsod ng posibleng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act.