KUKUHA ng mahigit 32,000 na bagong mga guro ang Department of Education sa susunod na taon para matugunan ang teacher shortage sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Ayon sa DepEd, ang planong ito ay nakasaad sa 2026 National Expenditure Program ng ahensya kung saan kasama sa panukala ang pagkuha ng mga bagong Teacher I items.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara kapag nadagdagdan ang bilang ng mga guro mas luluwag ang mga silid-aralan at mas mabibigyang-pansin ang mga batang kailangang tutukan.
Maliban sa mga bagong guro sinabi ni Angara na kukuha din anim na libong School Principal I at sampung libong School Counselor Associate I.




