KINUMPIRMA ng Department of Health na tatlumpu’t anim na estudyante mula sa Bayorbor National High School at Senior High School, sa Bayan ng Mataas na Kahoy sa Batangas ang isinugod sa Rural Health Unit matapos makalanghap ng usok mula sa Bulkang Taal.
Ayon sa DOH, karamihan sa mga estudyante ay nahirapang huminga, sumakit ang tiyan at binabahing dulot ng allergy.
Ang mga bata ay nakumpirmang nakalanghap ng volcanic smog o VOG na isang uri ng air pollutant na pinaghalong volcanic gas, acid at sulfur dioxide.