TATLUMPU’T isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang tumanggap ng livelihood package mula sa Department of Trade and Industry sa Leyte, sa pakikipagtulungan ng Baybay City Local Government.
Ito ay para suportahan ang kanilang pagbabalik sa buhay sibilyan.
Ang assistance ay ipinagkaloob sa ilalim ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Program ng DTI, na naglalayong tulungan ang mga dating rebelde na magkaroon ng pagkakakitaan at isulong ang long-term economic stability.
Ang mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng mga miyembro Baybay Integrated Peace and Development Workers Association (IPDWA), na ang mga miyembro ay mula sa mga Barangay Cangungaan, Mapgap, Monterico, Amguhan, Ciabu, Maypatag, at Maysapa sa Baybay City.
Mula sa 75 members, tatlumpu’t isang kwalipikado ang tumanggap ng livelihood packages para sa hog-raising at rice retailing matapos makumpleto ang requirements ng programa, kabilang ang umiiral na small-scale livelihood activities.




