INIIMBESTIGAHAN ng PNP Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mahigit dalawampu’t apat na sasakyang iniugnay kay Dating Ako Bicol Partylist Zaldy Co.
Bukod pa ang mga ito sa mga mamahaling units na narekober mula sa isang condominium, sa Taguig City, kamakailan.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sinabi ni HPG Acting Director Police Brig. Gen. Hansel Marantan, na hindi bababa sa sampung karagdagang sasakyan ang kasalukuyang nasa kanilang watch list.
Dahil dito, hinimok ni Marantan ang mga driver at custodians ng mga sasakyan na boluntaryong isuko ang mga unit.
Isasailalim aniya ang mga kinumpiskang sasakyang sa forensic examination upang ma-verify ang reports na maaring may mga kontrabando sa loob nito, partikular ang mga armas.
