NAGHANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 8 ng 236.37 million pesos na halaga ng Relief Items para sa biktima ng mga nagdaang linggo.
Kinabibilangan ito ng 125,216 na Food Items, na binubuo ng 18,473 Ready-to-Eat Food Packs; 106,743 Family Food Packs; at 22,146 Non-Food Items, gaya ng Family Kits, Sleeping Kits, Hygiene Kits, at Kitchen Kits.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Sinabi ni DSWD-Eastern Visayas Information Officer Jonalyndie Chua na dinadagdagan nila ang kanilang Stocks para sa epekto ng mga kalamidad, kabilang na ang malakas na lindol sa Davao Oriental, kamakailan.
Tiniyak ni Chua na laging handa ang DSWD na tumugon, at patuloy ang kanilang Monitoring at koordinasyon sa Local Governments para sa agarang pagpapadala ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.
