HINDI bababa sa dalawampu’t apat ng patay habang apatnapu’t pito ang nasugatan habang nagpo-protesta sa Military Government ng Myanmar.
Kasunod ito ng pagbagsak ang Army Motorised para-glider ng dalawang bomba sa gitna ng mga nagpo-protestang mamamayan.
Ginawa ng militar ang pag-atake laban sa nasa isandaang katao na nagtipon-tipon sa Chaung U, sa Central Myanmar para sa National Holiday.
Simula noong 2021 Military Coup, libo-libo na ang nasawi habang milyon-milyon katao na ang lumikas, na naging mitsa ng Civil War sa Armed Resistance Groups at Ethnic Militias.