DALAWAMPU’T isang hinihinalang mga biktima ng human trafficking ang nailigtas sa Bongao Pier sa Tawi-Tawi.
Ayon sa Naval Forces Western Mindanao (NFWM), labintatlo sa mga biktima na pinangakuan ng trabaho ay dadalhin sana sa Malaysia sa pamamagitan ng motorized pump boat nang walang anumang dokumento para sa travel at employment.
Samantala, ang natitirang walo naman ay lulan ng passenger ferry mula Zamboanga City patungong Sitangkai, Tawi-Tawi na nakadaong sa Port of Bongao nang masagip ng mga otoridad.
Dadalhin sana ang mga ito sa Kota Kinabalu, sa Malaysia at mayroong mga indibidwal na susundo sa kanila pagdating nila sa lugar.
Isinailalim ang mga biktima sa profiling at documentation saka itinurn over sa Ministry of Social Services and Development para sa proper handling and disposition.