AABOT sa 13.217 million pesos na halaga ng Uncertified at Non-Compliant Household Appliances na binebenta sa online nang walang Required Markings ang kinumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Bulacan.
Ayon sa ahensya, mahigit tatlunlibong Appliances, gaya ng Electric Kettle, Fans, Pressure Cookers, Rice Cookers, Multi-Cookers, Induction Cookers, at Blenders ang sinamsam sa Enforcement Operation.
Ang mga produkto na saklaw ng Mandatory Certification Process ng Philippine Standard, ay natuklasang walang Mandatory Philippine Standard (PS) Marks at Import Commodity Clearance (ICC) Stickers.
Una nang inanunsyo ni Trade Secretary Maria Cristina Roque ang September 30 Deadline para sa online sellers para masuri at marehistro ang kanilang mga produkto para sa E-Commerce Philippine Trustmark.
Isa itong selyo na nagsesertipika na ang mga produkto na nabibili sa online ay pumasa sa Quality at Safety Checks.