29 September 2025
Calbayog City
National

Mahigit 1,000 katao, lumahok sa Anti-Corruption Rallies; 17 katao, arestado

MAHIGIT isandaanlibo katao ang nagtungo sa Luneta Park at sa EDSA People Power Monument sa dalawang malalaking Rallies laban sa korapsyon, kahapon, sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa maanomalyang Flood Control Projects.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, na limampung libo ang nakiisa sa “Baha sa Luneta, Aksyon sa Korapsyon” Protest na inorganisa ng mga Progresibong Organisasyon.

Sa EDSA at White Plains Avenue naman, tinaya ng organizers sa pitumpung libo ang nagtipon-tipon upang makiisa sa protesta laban sa katiwalian.

Bukod sa mga demonstrasyon sa Maynila at EDSA, nagkaroon din ng Anti-Corruption Rallies sa Cebu City, Bacolod, at Iloilo.

Sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na mapayapa ang Anti-Corruption Protests, maliban sa Mendiola kung saan may mga nasugatan at ilang indibidwal ang inaresto matapos mambato at inatake ang mga pulis.

Samantala, labimpito katao ang inaresto dahil sa umano’y paghahagis ng mga bato at pagsusunog ng mga gulong sa Kilos-Protesta laban sa korapsyon sa Mendiola, Maynila.

Ayon sa PNP, nasa kustodiya ng Manila Police District (MPD) ang mga dinakip na indibidwal.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.