22 November 2024
Calbayog City
Metro

Mahigit 1000 katao, dumagsa sa BSP sa Maynila para kubrahin ang 130 Trillion Pesos na mula sa itinagong ginto

MAHIGIT isanlibo katao ang dumagsa sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Maynila para singilin nang paunti-unti ang 130 trillion pesos na para mga Pilipino.

Ang naturang halaga ay batay sa kasalukuyang halaga ng ginto na umano’y nasa pag-iingat ng BSP sa loob ng maraming taon.

Ipinakita ng lider ng grupo na si Gilbert Langres ang dokumento na tinawag nitong “bagong lipunan” na nagpapatunay daw na ang kayamanan sa loob ng Central Bank ay nag-mature na at maari nang kunin.

Matagal na ring itinanggi ng BSP ang claims na mayroon silang itinatagong ginto.

Nilinaw din ng BSP na hindi sila direktang namimigay ng pera sa publiko, at nagre-remit lamang sila ng pondo sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga dibidendo.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *