AABOT sa mahigit isandaang milyong pisong halaga ng Smuggled na sibuyas, carrots, at frozen mackerel ang kinumpiska ng mga awtoridad sa Port of Subic sa Zambales.
Natagpuan ang Agricultural Products mula sa China sa loob ng sampung container vans.
Ayon sa Bureau of Customs, idineklara ang mga ito bilang chicken lollipops at chicken karaage.
Ang sampung container vans ay kabilang sa unang limampu’t dalawa na hinarang ng Customs at nag-isyu ng Clearances sa labinsiyam na iba pa.




