KINILALA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Council for the Welfare of Children ang anim na siyudad at isandaan at tatlong bayan sa Eastern Visayas, bilang passers sa 2025 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA).
Batay sa listahan na inilabas ng DILG, kahapon, ang CFLGA passers ay mga lungsod ng Tacloban, Baybay, at Ormoc sa Leyte; Borongan sa Eastern Samar; Catbalogan sa Samar; at Maasin sa Southern Leyte.
Ang awardees ay kinabibilangan din ng 22 na bayan sa Leyte; 18 sa Southern Leyte; 19 sa Northern Samar; 14 sa Samar; 22 sa Eastern Samar; at walo sa Biliran.
Ang CFLGA ay isang annual, Results-Based Audit na kumikilala sa pagsisikap at achievements ng Local Government Units para matiyak ang proteksyon, pagsusulong, at pagsasakatuparan ng karapatan at kapakanan ng mga batang Pilipino.




