DEAD ON THE SPOT ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Purok 3, Brgy. Saputan, Calbayog City, Samar.
Kinilala ang biktima na si Efren Dela Cruz alyas “Oscar o Oca” 56 anyos, magsasaka at residente sa nabanggit na Barangay.
Sa imbestigasyon ng PNP Calbayog ang biktima ay galing sa palayan, umuwi ito para magpahinga at uminom ng tubig, pagkatapos ay bumalik ang biktima sa palayan ng makasalubong niya sa daan ang suspek.
Bumunot ng baril ang suspek at biglang pinagbabaril ang biktima ng ilang beses na tinamaan sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na naging sanhi ng agarang pagkasawi nito.
Nangyari ang insidente pasado ala 1:30 hapon ng Lunes, August 7, 2023.
Samantala, agad namang tumakas ang suspek at prinoseso ng SOCO personnel ang crime scene.