PINANGUNAHAN ni LA Tenorio ang Hotshots sa kanyang unang Game bilang Head coach ang Magnolia sa score na 80-73, laban sa kanyang dating team na Barangay Ginebra, sa Opening Game ng 50th Season ng PBA sa Smart Araneta Coliseum.
Sa kabila ng nakatutok sa kanya ang Spotlight dahil sa kanyang unang Coaching Gig, sinabi ni Tenorio na ang panalo ay tungkol sa mga player.
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
June Mar Fajardo, nasungkit ang kanyang ika-9 na PBA MVP Award
Aniya, sa tingin niya ay nais ibigay sa kanya ng players ang unang panalo sa kanya, at na-Appreciate niya ito.
Umaasa si Tenorio na simula na ito ng magandang Journey ng Magnolia.
Pinangunahan ni Zavier Lucero ang Hotshots sa kanyang 17 points, 7 rebounds, 4 assists, at 4 steals habang nag-ambag sina Jerom Lastimosa at Javi Gomez De Liaño ng tig-14 points at Rome Dela Rosa ng 12 points.