INUGA ng Magnitude 6.7 na lindol ang Kuril Islands sa Russia, kahapon, ayon sa German Research Center for Geosciences.
Unang tinaya ng ahensya ang lakas ng lindol sa Magnitude 6.3, at may lalim na sampung kilometro.
ALSO READ:
Ayon naman sa United States Geological Survey, Magnitude 7 ang tumamang lindol.
Sa kabila nito ay walang inilabas na Tsunami Warning ang Pacific Tsunami Warning System, pagkatapos ng lindol.