NASA ilalim na ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ang mag-asawang contractors na sina Curlee at Sarah Discaya, at mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ito muna ang kanilang magagawa sa ngayon.
Halos 5 bilyong pisong Air Assets ni Cong. Zaldy Co at 500-million peso luxury cars ng mga sangkot sa Flood Control Anomalies, nais ipa-freeze ng DPWH
Welfare Check kay FPRRD, bahagi ng Standard Practice sa mga Pinoy na nakakulong sa Abroad
LGUs, pinaghahanda na sa bagyong Opong
Pamahalaan, may sapat na pondo para agad matulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Nando – DBM
Nangangahulugan aniya ito na bibigyan ng DOJ ng proteksyon ang limang personalidad, pati na ang kanilang pamilya.
Gayunman, nilinaw ni Remulla na hindi pa sila opisyal na “State Witnesses,”” na ang ibig sabihin ay hindi pa sila ganap na ligtas sa pananagutang kriminal.
Binigyang diin ng kalihim na ang nais niya ang “buong katotohanan at pawang katotohanan lamang” para sa State Witness upang makaligtas mula sa Criminal Liability.