BIBIDA ang mag-amang John at Kaila Estrada sa bagong pelikula ng Star Magic na “Pilak.”
Makakasama ng mag-ama sa naturang pelikula sina Jackie Lou Blanco at Alma Concepcion.
Ang “Pilak” ay idi-direk ni Elaine “Alex” Crisostomo at ipalalabas sa mga sinehan sa Hulyo sa susunod na taon.
Una nang inamin ni Kaila na hindi pa siya handa na makasama ang kanyang mga magulang na sina John Estrada at Janice De Belen.