PANSAMANTALANG ipinagbawal ang pagtawid ng mabibigat na sasakyan sa Biliran bridge na nag-uugnay sa mga lalawigan ng Leyte at Biliran, dahil sa hindi pangkaraniwang pag-uga ng tulay.
Batay sa footage, makikitang pa-alon ang galaw ng tulay at gumagalaw din ang mga steel bar.
ALSO READ:
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Dahil dito, pinapayagan lamang ng Department of Public Works and Highways na dumaan sa tulay ang magagaan na sasakyan, gaya ng mga SUV at passenger vans.
Samantala, kailangan munang ibaba ng mga bus ang kanilang mga pasahero para makatawid sa Biliran Bridge.
