NIRATIPIKAHAN na ng Senado at Kamara ang Bicameral Conference Committee (BICAM) report, kung saan nakabalangkas ang 6.793-Trillion Peso National Budget para sa 2026.
Sa pamamagitan ng voice vote, niratipikahan ng Kamara ang BICAM report sa Plenary Session na tumagal lamang ng wala pang dalawang minuto, mula nang buksan ang sesyon, alas dos ng hapon, kahapon.
Si Iloilo Rep. Lorenz Defensor ang nag-move para sa ratipikasyon, na sinegundahan ng kanyang colleagues sa sesyon na pinangunahan ni House Deputy Speaker Kristine Singson Meehan.
Sa bahagi naman ng Senado, si Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang nag-move para aprubahan at ratipikahan ang BICAM report sa disagreeing provisions ng House Bill No. 4058 o General Appropriations Bill.
Ito’y matapos iprisinta ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian ang highlights ng panukalang Budget.




